Mga Pahina

Thursday, September 28, 2017

MAYANA



ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MAYANA?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang mayana ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang mga dahon ay makukuhanan ng alkaloids, saponin, flavonoids, tannin, volatile oil, at quercetin

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Ang dahon ng mayana ay karaniwang dinidikdik at ipinangtatapal sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari din itong ilaga upang mainom o ipampatak sa mata. Minsan ay itinatapat sa apoy ang dahon bago ipantapal sa balat.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG MAYANA?

1. Pananakit ng ulo. Maaaring makatulong sa pananakit ng ulo ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng mayana sa sentido, noo at batok.
2. Dyspepsia. Para naman sa kondisyon ng dyspepsia o hirap sa pagtunaw ng pagkain, maaaring inumin ang pinaglagaan ng dahon ng mayana.
3. Sore eyes. Ang iritasyon sa mata dulot ng sore eyes ay maaari namang magamot sa pagpapatak ng pinaglagaan ng dahon ng mayana sa apektadong mata.
4. Pilay. Ang pilay na nakuha mula sa naipit na ugat (sprain) ay matutulungan din ng paglalagay ng dinikdik na dahon ng mayana sa bahagi ng katawan na apektado. Maaari itong lagyan ng benda upang manatiling balot sa dahon ng mayana.
5. Kabag. Makakatulong naman para maiwasan ang kabag sa tiyan ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng mayana.
6. Sugat. Upang matulungan naman na mapadali ang paghilom ng sugat, maaaring patakan ng katas ng dahon ang nagdurugong sugat, at saka tapalan ng dinikdik na dahon ang mismong sugat.
KARAGDAGAN
  1. Helps to Treat Hemorrhoids
Talking about the benefits of Mayana plant, the first is that it can help treat hemorrhoids. Hemorrhoids is a kind of health problems that often arise because the conditions are not realized. Usually because of the lack of attention to health, especially the health of the digestive, then hemorrhoids appear.
However, just relax and do not worry. Mayana plant has an excellent benefits to help heal hemorrhoids symptoms you are experiencing. and how to use the Mayana plant to treat hemorrhoids? The following are some simple steps to process leaf miana:
  • Prepare abouts 20 mayana leaves and also one Turmeric.
  • Then wipe, and then boiled these materials by using 5 cups of water.
  • Boil until boiling and then cool the water after boiling.
  • Enough to drink one glass of potion each day, then this will help cure your hemorrhoids naturally.
  1. Helps Treat Boils
The next benefits of Mayana plants is it can help heal ulcers, and also reduces the symptoms of boils. To treat ulcers, you do not have to bother to make a potion like when you treat hemorrhoids, but you need to do, here’s how:
  • simply by heating the Mayana leaves on the fire, but do not burn.
  • Afterwards paste Mayana leaves on the body that experienced ulcers,
  • compress up to several minutes.
  • Do this until you have healed ulcers and also drying.
  1. Good When Menstruation
  2. Next benefits of Mayana plants is to help overcome the disorder at the time of menstruation. One problem that occurs when it is at menstrual cycle is irregular appearance. When menstruation usually occurs approximately one month, but sometimes appeared disruption in the cycle, which may appear two times in a month, or appear 2-3 months.

TANGLAD



ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TANGLAD?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tanglad ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Taglay ng sariwang dahon ng tanglad ang ilang uri ng langis gaya ng lemon-grass oil, verbena oil, at Indian Molissa oil. Mayroon din itong methyl heptenone at terpenes.
  • Ang dahon at ugat ay makukuhanan din ng alkaloids, saponin, a-sitosterol, terpenes, alcohol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, p-coumaric acid at sugars.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Ang dahon ng tanglang ang karaniwang ginagamit bilang halamang gamot. Ito’y nilalaga at ginagawang tsaa.
  • Ugat. Ang ugat ng tanglad ay maaari ding ilaga at inumin upang makagamot sa ilang mga kondisyon.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TANGLAD?

1. Pagtatae. Dapat painumin ng pinaglagaan ng dahon ng tanglad na hinaluan pa ng dinikdik na luya at isang kutsarang asukal. Makatutulong ito sa paghupa ng matubig na pagdudumi.
2. Pananakit ng ngipin. Pinaiinom naman ang pinaglagaan ng ugat ng tanglad sa taong nakararanas ng pananakit sa ngipin.
3. Hirap sa pag-ihi. Matutulungan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng tanglad ang mas madaling pag-ihi.
4. Pananakit ng sikmura. Ang tsaa mula sa dahon ng tanglad ay mabisa rin para maibsan ang pananakit sa sikmura.
5. Pananakit sa likod. Ang langis naman na nakukuha mula sa dahon ng tanglad ay maaaring ihalo sa langis ng niyog bago ipampahid sa nananakit na likod.
6. Rayuma. Ang pananakit sa ilang bahagi ng katawan dahil sa sakit na rayuma ay malulunasan din ng pagpapahid ng langis mula as dahon ng tanglad.
7. Altapresyon. Upang mapababa naman ang mataas na presyon ng dugo, maaaring painumin ng tsaa mula sa dahon ng tanglad.
8. Pananakit ng ulo. Ang pagtatapal ng dahon ng tanglad sa noo ay makatutulong na mabawasan ang pananakit na nararanasan sa ulo.

TAWA-TAWA



ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TAWA-TAWA?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tawa-tawa ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Taglay ng halaman ang gallic acid, quercetin, triacontane, cetyl alcohol, phytosterol, phytosterolin, jambulol, melissic, gayun din ang palmitic, oleic, at linoleic acid
  • Mayroon din itong euphorbianin, leucocyanidol, camphol, quercitrin at quercitrol.
  • Ang pinatuyong dahon ay makukuhanan naman ng protein, fat, crude fiber, at carbohydrate. Mayroon pa itong bitamina gaya ng ascorbic acid, thiamine, riboflavin, at niacin

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Ang buong halaman ng tawa-tawa ay ginagamit sa panggagamot sa ilang mga kondisyon sa katawan.
  • Dagta. Ang maputing dagta ng halaman ay kinukuha at ginagamit sa panggagamot sa ilang mga kondisyon. Karaniwang hinahalo sa inumin.
  • Dahon. Ang mga dahon ay karaniwan namang nilalaga at pinapainom sa may sakit. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa balat.
  • Ugat. Madalas ding ilaga ang ugat ng tawa-tawa para magamit sa ilang karamdaman.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG TAWA-TAWA?

1. Hika. Ang dagta ng tawa-tawa ay kadalasang hinahalo sa inumin para maibsan ang sintomas ng hika. Maaari ding patuyuin ang mga dahon at gamiting parang sigarilyo. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng halaman para sa kondisyon ng hika.
2. Dengue. Mabisa din ang tawa-tawa para sa mga sintomas na dulot naman ng dengue. Ang buong halaman na tinanggalan ng ugat ay pinakukuluan at pinapainom na parang tsaa sa may sakit.
3. Pagtatae. Ang tuloy-tuloy na pagdudumi ay maaari namang gamutin sa tulong ng pag-inom din sa pinaglagaan ng halaman. Mabisa rin para sa kondisyon ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat.
4. Buni. Ang pagpapahit ng dagta ng tawa-tawa ay mabisa para sa pag-alis buni sa balat
5. Kulit. Sinasabi rin na mabisa ang dagta ng tawa-tawa para sa paggagamot sa kuliti sa mata. Ang dagta ay pinapatak sa apektadong mata.
6. Lagnat. Ang pinaglagaan ng ugat ay makakatulong sa pagpapababa ng simpleng lagnat.
7. Pigsa. Ang dinikdik na dahon naman ay maaaring ipantapal sa balat na apektado ng pigsa.
8. Nagpapasusong ina. Nakakapagpalakas din sa gatas ng nagpapasusong ina ang regular na pag-inom sa pinaglagaan ng halamang tawa-tawa
9. Sugat. Mapapabilis naman ang pag-hilom ng sugat sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng tawa-tawa
10. Altapresyon. Nakakapagpababa din ng presyon ng dugo ang pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang dahon.

PANSIT PANSITAN




ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA PANSIT-PANSITAN?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang pansit-pansitan ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang mga sanga ng halaman ay may taglay na carbohydrates, alkaloids, tannins, flavonoids, steroids, at triterpenoids.
  • May taglay din na mga mineral, bagaman mababa lamang, tulad ng manganese, iron, zinc at copper, sa dahon ng pansit-pansitan. Ngunit mataas naman ito sa sodium.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Karaniwang ginagamit sa panggagamot ang dahon ng pansit-pansitan. Kadalasang inilalaga ito at pinapainom sa may sakit.
  • Sanga. Ang sanga ay karaniwang hinahalo din sa paglalaga ng mga dahon at pinaiinom din sa may sakit.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG PANSIT-PANSITAN?

1. Rayuma. Mabisa laban sa nanakit na mga kasukasuan dahil sa rayuma ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng pansit-pansitan. Ang pagkain mismo sa dahon at sanga ng pansit-pansitan na parang gulay ay mabisang pang-alis sa kondisyong nararamdaman kaugnay ng rayuma.
2. Urinary Tract Infection (UTI). Pinapainom naman ng pinaglagaan ng dahon ang taong dumadanas ng impeksyon sa daluyan ng ihi.
3. Hindi pantay na kutis ng balat. Ang pagkakaroon ng kaibahan sa kulay ng kutis ay maaaring banlawan gamit ang pinaglagaan ng dahon ng pansit-pansitan.
4. Pigsa. Ang pigsa naman ay maaaring matulungan ng pagtatapal ng dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan.
5. Iritasyon sa mata. Ipinangpapatak sa mata na dumadanas ng iritasyon o implamasyon ang katas ng dahon at sanga ng pansit-pansitan.
6. Mataas na cholesterol. Nakatutulong din sa pagpapababa ng cholesterol sa dugo ang pagkain sa mga dahon ng pansit-pansitan.
7. Tagihawat. Para naman sa kondisyon ng pagtatagihawat, pinangtatapal sa apektadong bahagi ng balat ang dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan.

Wednesday, September 27, 2017

BANABA



ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BANABA?

Ang iba’t ibang bahagi ng puno ng banaba ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ayon sa mga pag-aaral, may mataas na lebel ng tannin sa bunga, dahon at balat ng kahoy (bark) ng banaba.
  • Nakuhanan din ang halamang ito ng phenolic compounds, flavonoids, at saponins. Bukod pa dito, mayroon ding corosolic acid, ellagitannin Lagerstroemin, at gallotannins sa halaman ng banaba.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Bunga. Ang hinog na bunga ng banaba ay kadalasang pinapatuyo bago ilaga upang makuha ang taglay nitong gamot.
  • Dahon. Ang dahon na maaaring bata pa o yung magulag na ay pinakukuluan din at ipinaiinom sa may sakit.
  • Bulaklak. Pinakukuluan din ang bulaklak ng banaba upang maipainom ang pinaglagaan sa may sakit.
  • Balat ng kahoy (bark). Ang balat ng kahoy ay nilalaga rin ngunit hindi ito kasing epektibo ng pinaglagaan ng dahon at bunga.
  • Ugat. Pinapakuluaan din ang ugat at pinaiinom sa may sakit.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BANABA?

1. Diabetes. Ang pangunahing sakit na pinaniniwalaang nagagamot ng halamang banaba ay ang diabetes. Epektibo sa pagpapanatiling balanse ng lebel ng asukal sa dugo ang pag-inom ng pinaglagaan ng bulaklak, dahon at bunga ng banaba.
2. Hirap sa pag-ihi. Ang pinaglagaan ng ugat at dahon ng banaba ay may epektong diuretic sa mga taong hirap sa pag-ihi.
3. Pagtatae. Ang pinaglagaan naman ng balat ng kahoy ng banaba ay pinaniniwalaang makagagamot sa pagtatae o diarrhea.
4. Obesity o sobrang timbang. Mahusay din daw ang regular na pag-inom ng pinaglagaan ng halaman ng banaba sa pagpapanatili ng balanse at tamang timbang.
5. Altapresyon. May ilang naniniwala din na nakakababa ng presyon ng dugo ang pag-inom ng pinaglagaan ng banaba.
6. Pamamaga at implamasyon. Sinasabi rin na ang katas na nakukuha sa dahon ng banaba ay may bisa sa pagpapahupa ng pamamaga at implamasyon sa katawan.
7. Impeksyon ng bacteria sa katawan. May ilang pag-aaral na ang pinaglagaan ng bunga ng banaba ay makatutulong sa pagpuksa ng impeksyon ng bacteria sa katawan.

OREGANO


ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA OREGANO?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang oregano ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang halaman ay may taglay na carbohydrates, proteins, phenols, tannins, flavanoids, saponins, glycosides.
  • Ang dahon ay kinukuhanan ng langis na may thymol, eugenol, trans-caryophyllene, at carvacrol

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Ang dahon pangunahing bahagi ng halamang oregano na ginagamit sa panggagamot. Maaaring ito ay dikdikin, ipantapal, ilaga, at inumin na parang tsaa.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG OREGANO?

1. Paso. Ginagamit ang dinikdik na dahon ng oregano upang maibsan ang pananakit ng paso sa balat.
2. Pananakit ng ulo. Ang dahon naman na bahagyang pinitpit ay inilalagay sa sentido para mabawasan ang pananakit ng ulo.
3. Kagat ng insekto. Ipinangtatapal din ang dahon na bahagyang dinikdik sa bahagi ng katawan na apektado ng kagat ng insekto, at tusok ng alupihan at alakdan.
4. Hika. Ang pinaglagaan ng dahon ng oregano ay mabisa rin para sa kondisyon ng hika.
5. Bagong panganak. Pinaiinom naman ng pinaglagaan ng dahon ng oregano ang mga ina na bagong panganak.
6. Kabag. Mabisa rin para sa kondisyon ng kabang ang pag-inom sa pinaglagaan ng oregano.
7. Pigsa. Ang pigsa sa balat ay matutulungan naman ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng oregano. Ginagawa ito ng apat na beses sa isang araw.
8. Sore throat. Ang pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat ay maaaring matulungan ng paglunok sa pinaglagaan ng pinatuyong dahon ng oregano.
9. Pananakit ng tenga. Mabisa naman na pangtanggal sa pananakit ng tenga ang pagpapatak ng sariwang katas ng dahon sa loob mismo ng tenga
10. Ubo. ang ubo na mahirap gumaling at pabalikbalik ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng oregano. Maaari ding lunukin ang isang kutsara ng sariwang katas ng dahon ng oregano.