ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TAWA-TAWA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tawa-tawa ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
- Taglay ng halaman ang gallic acid, quercetin, triacontane, cetyl alcohol, phytosterol, phytosterolin, jambulol, melissic, gayun din ang palmitic, oleic, at linoleic acid
- Mayroon din itong euphorbianin, leucocyanidol, camphol, quercitrin at quercitrol.
- Ang pinatuyong dahon ay makukuhanan naman ng protein, fat, crude fiber, at carbohydrate. Mayroon pa itong bitamina gaya ng ascorbic acid, thiamine, riboflavin, at niacin
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Ang buong halaman ng tawa-tawa ay ginagamit sa panggagamot sa ilang mga kondisyon sa katawan.
- Dagta. Ang maputing dagta ng halaman ay kinukuha at ginagamit sa panggagamot sa ilang mga kondisyon. Karaniwang hinahalo sa inumin.
- Dahon. Ang mga dahon ay karaniwan namang nilalaga at pinapainom sa may sakit. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa balat.
- Ugat. Madalas ding ilaga ang ugat ng tawa-tawa para magamit sa ilang karamdaman.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG TAWA-TAWA?
1. Hika. Ang dagta ng tawa-tawa ay kadalasang hinahalo sa inumin para maibsan ang sintomas ng hika. Maaari ding patuyuin ang mga dahon at gamiting parang sigarilyo. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng halaman para sa kondisyon ng hika.
2. Dengue. Mabisa din ang tawa-tawa para sa mga sintomas na dulot naman ng dengue. Ang buong halaman na tinanggalan ng ugat ay pinakukuluan at pinapainom na parang tsaa sa may sakit.
3. Pagtatae. Ang tuloy-tuloy na pagdudumi ay maaari namang gamutin sa tulong ng pag-inom din sa pinaglagaan ng halaman. Mabisa rin para sa kondisyon ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat.
4. Buni. Ang pagpapahit ng dagta ng tawa-tawa ay mabisa para sa pag-alis buni sa balat
5. Kulit. Sinasabi rin na mabisa ang dagta ng tawa-tawa para sa paggagamot sa kuliti sa mata. Ang dagta ay pinapatak sa apektadong mata.
6. Lagnat. Ang pinaglagaan ng ugat ay makakatulong sa pagpapababa ng simpleng lagnat.
7. Pigsa. Ang dinikdik na dahon naman ay maaaring ipantapal sa balat na apektado ng pigsa.
8. Nagpapasusong ina. Nakakapagpalakas din sa gatas ng nagpapasusong ina ang regular na pag-inom sa pinaglagaan ng halamang tawa-tawa
9. Sugat. Mapapabilis naman ang pag-hilom ng sugat sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng tawa-tawa
10. Altapresyon. Nakakapagpababa din ng presyon ng dugo ang pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang dahon.
No comments:
Post a Comment