Mga Pahina

Wednesday, September 27, 2017

GUYABANO


ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA GUYABANO?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang guyabano ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang mga pangunahing substansya na taglay ng guyabano ay tannins, steroids and cardiac glycosides
  • Ang dahon ay makukuhanan ng langis; myricyl alcohol, sitosterol, at fatty acids gaya ng oleic, linoleic, at stearic acids. Mayroon din itong lignoceric acid at anolol
  • Ang bunga ay may saccharose, dextrose, at levulose
  • Ang balat ng kahoy ay mayroong acetogenin, solamin at triterpenoids, stigmasterol at sitosterol
  • ang buto ay may taglay na lactones, annomonicina, annomontacina, annonacina, annomuricatina, annonacinona, javoricina
  • Ang katas at laman ng bunga ay mayroon pang carbohydrate, fiber, retinol, ascorbic acid, flavonoids, at tannin

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Ang dahon ay kadalasang pinapakuluan at pinapainom sa maysakit. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan.
  • Bulaklak. Maaaring ilaga ang bulaklak at ipainom sa taong may sakit.
  • Bunga. Ang hilaw na bunga ay karaniwang kinakatasan upang gamitin bilang gamot. Ang sabaw naman ng hinog na bunga ay mabisa rin sa ilang mga kondisyon. Maaari ding gamitin ang laman ng guyabano bilang pantapal sa ilang mga kondisyon sa katawan.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG GUYABANO?

1. Pagtatae. Ang hilaw na bunga ng guyabano ay maaaring  gamitin para sa kondisyon ng pagtatae. Maaari din gamitin ang katas ng hinog na bunga ng guyabano.
2. Lisa at kuto. Ang paghuhugas sa ulo na apektado ng lisa at kuto gamit ang pinaglagaaan ng dahon ng guyabano. Mabisa rin ang paggamit sa pinulbos na buto ng guyabano.
3. Pamamanas ng paa. Maaaring ipantapal o ipang hugas ang pinaglagaan ng dahon upang mapahupa ang pamamaga ng paa.
4. Eczema. Ang implamasyon sa balat ay maaari ding mapahupa sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng guyabano.
5. Rayuma. Mabisa para sa pananakit ng mga kasukasuan ang pagpapahid ng langis mula sa dahon ng guyabano at hilaw na bunga nito.
6. Diabetes. Makatutulong para sa sakit na diabetes ang pinaglagaan ng ugat, balat ng kahoy at dahon ng guyabano.
7. Kanser. May ilang pag-aaral na isinagawa na nagpapatunay na mabisa ang katas ng bunga ng guyabano, pati na ang pinaglagaan sa pagpigil ng pagkalat ng cancer cells sa katawan.
8. Sipon. Ang matinding pagtulo ng sipon ay maari namang malunasan ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng guyabano. Maari din gamitin ang bulaklak para sa kaparehong epekto.

No comments:

Post a Comment