Mga Pahina

Wednesday, September 27, 2017

PAPAYA




ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA PAPAYA?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang papaya ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang papaya ay may taglay na chymopapain at papain na may kakayanang tumulong sa pagtunaw ng pagkain. Mayroon pa itong phytokinase, malic acid, calcium maleate.
  • Ang mga dahon ay mayroong carpaine, carposide, saccharose, dextrose, levulose, at citrates
  • Ang bunga ay makukuhanan ng saccharose, dextrose, levulose, mallic acid, pectin, papain, at citrates. Mayroon ding itong mga sustansya at mineral gaya ng calcium, iron, Vitamins A, B, at C.
  • Ang buto ay may langis.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Ang dahon ay maaaring ipantapal sa balat, o kaya ay ilaga at ipainom sa may sakit.
  • Dagta. Ang dagta ng halaman ay maaaring gamitin din sa panggagamot. Ito ay karawaniwang ipinapahid sa apektadong bahagi ng katawan.
  • Bunga. Ang bunga ay karaniwang kinakain lamang.
  • Bulaklak. Ang lalaking bulaklak ng papaya ay ginagamit naman sa panggagamot sa pamamagitan ng paglalaga at pag-inom sa pinaglagaan.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG PAPAYA?

1. Rayuma. Ang pinitpit na dahon ng papaya ang siyang ginagamit na pantapal sa bahagi ng katawan na apektado ng rayuma.
2. Dyspepsia. Ang kondisyon naman ng dyspepsia o hirap matunawan ay maaaring malunasan ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng papaya. Makatutulong din ang pagkain sa hinog na bunga ng papaya.
3. Hika. Pinapainom ng pinaglagaan ng dahon ng papaya ang mga indibidwal na dumadanas ng hika.
4. Sugat. Maaaring ipanglinis sa sugat ang dagta na nakuha sa sanga at dahon ng papaya. Maaari ding gamitin ang dagta mula sa hilaw na bunga ng papaya.
5. Hirap sa pagdumi. Nakatutulong naman sa mas maayos na pagdumi ang pagkain sa hinog na bunga ng papaya.
6. Urinary Tract Infection (UTI). Para naman sa kaso ng UTI, maaaring inumin ang pinaglagaan ng tinadtad na dahon ng papaya at tinadtad na hilaw na bunga ng papaya.
7. Pagtatagihawat sa mukha. Ipinangpapahid sa mukha ang dinurog na hinog na bunga ng papaya na hinaluan ng katas ng kalamansi upang matulungan ang pagkawala ng mga tagihawat.
8. Bulate sa tiyan. Ang mga bulate sa tiyan ay maaaring maalis sa tulong ng pag-inom sa gatas na hinaluan ng dinurog na buto ng papaya.
9. Pananakit ng sikmura. Maaari namang inumin ang tsaa na mula sa pinatuyong dahon ng papaya.
10. Ubo. Para naman sa ubo, maaaring inumin ang pulot (honey) na hinaluan ng lalaking bulaklak ng papaya.
11. Kagat ng alupihan. Ang dinikdik na ugat ng papaya ay ipinangtatapal naman sa kagat ng alupihan.
12. Iregular na pagreregla. Matutulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng bulaklak at buto ng papaya ang buwanang dalaw sa mga kababaihan.

No comments:

Post a Comment