Mga Pahina

Thursday, September 28, 2017

TANGLAD



ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TANGLAD?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tanglad ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Taglay ng sariwang dahon ng tanglad ang ilang uri ng langis gaya ng lemon-grass oil, verbena oil, at Indian Molissa oil. Mayroon din itong methyl heptenone at terpenes.
  • Ang dahon at ugat ay makukuhanan din ng alkaloids, saponin, a-sitosterol, terpenes, alcohol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, p-coumaric acid at sugars.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Ang dahon ng tanglang ang karaniwang ginagamit bilang halamang gamot. Ito’y nilalaga at ginagawang tsaa.
  • Ugat. Ang ugat ng tanglad ay maaari ding ilaga at inumin upang makagamot sa ilang mga kondisyon.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TANGLAD?

1. Pagtatae. Dapat painumin ng pinaglagaan ng dahon ng tanglad na hinaluan pa ng dinikdik na luya at isang kutsarang asukal. Makatutulong ito sa paghupa ng matubig na pagdudumi.
2. Pananakit ng ngipin. Pinaiinom naman ang pinaglagaan ng ugat ng tanglad sa taong nakararanas ng pananakit sa ngipin.
3. Hirap sa pag-ihi. Matutulungan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng tanglad ang mas madaling pag-ihi.
4. Pananakit ng sikmura. Ang tsaa mula sa dahon ng tanglad ay mabisa rin para maibsan ang pananakit sa sikmura.
5. Pananakit sa likod. Ang langis naman na nakukuha mula sa dahon ng tanglad ay maaaring ihalo sa langis ng niyog bago ipampahid sa nananakit na likod.
6. Rayuma. Ang pananakit sa ilang bahagi ng katawan dahil sa sakit na rayuma ay malulunasan din ng pagpapahid ng langis mula as dahon ng tanglad.
7. Altapresyon. Upang mapababa naman ang mataas na presyon ng dugo, maaaring painumin ng tsaa mula sa dahon ng tanglad.
8. Pananakit ng ulo. Ang pagtatapal ng dahon ng tanglad sa noo ay makatutulong na mabawasan ang pananakit na nararanasan sa ulo.

No comments:

Post a Comment